# 21_Kanye Flashback 2.01 "He heard us." Iyon ang sabi sa akin ni Carlo ng nag aayos na kami ng gamit pauwi matapos ang OJT namin. "About what?" "Sa pag uusap natin sa rooftop. Nakita ko siya. Gusto sana kitang suwayin nang araw na iyon pero huli na." Kunot ang nuo ko sa sinabi nito. Kaya ba ng araw na iyon ay bigla na lang siyang umuwi at napasama ang pakiramdam niya? Ewan ko lang. "Laro na nga lang ba ang ginagawa mo Kanye? Or nahuhulog na ng tuluyan ang loob mo sa kanya?" Tanong naman ng isa. Hindi ako umimik. Those past few days kasi ay naging magaan na ng tuluyan ang pakiramdam ko na kasama ko siya lagi at hindi na gaya noong una na wala akong pakialam sa kanya. Pero ng araw ding iyon na sinabi ko sa mga kaibigan ko na nakikipaglaro lamang ako ay hindi na din ako sigurado do