Typos and grammatical error ahead!! Napangiti ako ng magising ako na nakayakap ako sa kanya kinaumagahan. Para kasi akong nananginip kagabi na natulog ako sa kwarto niya pero totoo pala. Hindi man ako alam kung papaano ay masaya ako dahil heto siya nasa mga bisig ko. Parang ayaw ko na nga kumilos baka bigla siya magising at bumalik na naman ang kalamigan niya sa akin. "I love you my Love." Bulong ko. Kusang kumilos ang kamay ko at masuyong humaplos sa pisngi niya. Sa paghaplos ko ay kumilos siya pero hindi para magising kundi para mas nagsumiksik siya sa katawan ko na gustong gusto ko naman. Parang gusto kong maiyak kung hindi ko lang naiisip na over react na ako pero sadyang nakakagaan ng pakiramdam. Seven years ago ng huli ko siyang maikulong sa mga bisig ko ng walang problema. I