“MGA bro, baka naman puwedeng hayaan n’yo munang magpagaling muna ang taong aarestuhin ninyo? Hindi naman tayo bobo at tanga para hindi malaman ang bagay na ’yan,” hindi nakatiis na sabad ni Arnold na pinagdiinan pa talaga ang dalawang kataga. “Tama naman siya, mga hijo. By the way, I’m a lawyer at ako mismo ang magpapakulong sa inyo kapag hindi kayo tumigil,” kalmado pero mapanganib na sambit ni Andrew na sinang-ayunan din ng dalawa pang abogada. “Huwag kayong basta-basta nanghuhuli nang walang dahilan,” saad ni Gracelyn. “Natauhan naman na kayo siguro? At ang taong pinosasan n’yo ay isa ring pulis. Sa katunayan, ang mga nandito ay mga alagad ng batas kaya kung wala kayong dalang warrant of arrest ay mas mabuting umalis na kayo bago pa kami magdemanda.” Sa pagkakataong iyon ay naging n