ALTHEA POV Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay ni Sean. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay. Pumasok kami sa kuwarto. Sa pinto may nakalagay na pangalan ay Lei. Lumapit agad si Sean sa batang nakahiga sa kama. Nakasunod lang ako kay Sean. Hinawakan niya ang noo ng bata at tumingin sa matandang babae na inaayos ang gamot sa bed side table. "Sir, mabuti naman at nandito ka na. Pasensya na dahil kailangan ko na ding umuwi dahil walang mag-aalaga sa apo ko." Aniya. Tumango si Sean. "Salamat Manang. Ako na ho ang bahala kay Lei. Uminom na ba siya ng gamot?" Umiling ang matanda. "Hindi sir. Ayaw nyang uminom ng malaman nyang darating ka. Ang gusto niya ikaw ang magpainom sa kanya. Sir alis na ako." Umalis na ang matandang babae. Ngumiti siya sa akin ng magkaharap