CHAPTER 4

1204 Words
After One Year SEAN POV Bumukas ang pinto ng office ko. Umangat ako ng tingin at ningitian ang Girlfriend kong si Ella. Mapang-akit itong naglakad palapit sa akin. Naupo siya sa hita ko at hinalikan ako sa labi. "I miss you.." she said. My hands roaming her body. "I miss you too Babe.." Inalalayan ko siya sa patayo at dinala sa Private Room ko dito sa Office. Everytime na pumupunta siya dito lagi kami nauuwi sa mainit na tagpo. Umalis ako sa pagkakaubabaw sa kanya at naupo sa kama. Agad naman itong yumakap sa likuran ko. "Sean, kailan mo ba balak hiwalayan si Sarah?" Automatic na tumingin ako sa kanya pagkarinig ng babaeng sumira sa buhay ko. "Bakit ba paulit-ulit mo tinatanong sa akin ang bagay na to Ella. Hindi ka ba kuntento kung anong meron tayo?" May pagkahalong inis na ani ko. Agad s'yang humiwalay sa akin. "Don't tell me mahal mo pa rin ang babaeng 'yun. Baka nakakalimutan mo Sean, niloko ka niya at pinagpalit sa lalaki niya!" Napataas na ang boses nito. Huminga ako ng malalim at mahinahon na nagsalita. "Hindi ko na siya mahal Ella. Ang akin lang, pano ako makikipaghiwalay sa kanya gayung hindi ko alam kung nasaan siya." Umarko pataas ang isang kilay nito. "Ayoko ng itago ang relasyon natin sean. I want to be Mrs. Manzano. Do anything, hanapin mo siya kung kinakailangan." Muli ako napabuntong Hininga. "Fine, kung iyan ang gusto mo." Pagsuko ko. Ang lukot na itsura nito ay napalitan ng saya. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi. "I love you so much Sean." She said. "I love you too Ella." I reply. Ang totoo, Parang wala lang sa akin ang pag-sagot ng i love you kay Ella. Hindi ko maramdaman ang Totoong Pagmamahal kay Ella. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil sa isang taon hindi niya ako iniwan. Lagi siyang nandyan para sa akin pagkatapos akong iwan ni Sarah. Kahit na ganun, hindi ko makuhang masaya. Halos pilit na lang ang lahat. Hindi ko maramdaman ang Saya na naranasan ko noon kay Sarah. Naging iba na ang lahat sa akin. Sarah POV "Where are you?" Napatitig ako sa dati naming bahay ni Sean. Sinagot ko ang tanong ni Jason. "Nasa bahay ako ng asawa ko." Masayang sagot ko. "Sigurado ka na ba talaga dito Sarah?" Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Yes Jason. Oras na para harapin ang asawa ko. Tama na ang isang taon para makapag-isip siya ng tama. Haharapin ko to ng mag-isa." Narinig ko ang pagkawala ng buntong hininga niya. "Okay, basta kapag may problema tawagan mo ako." Napangiti ako. "Thank you for everything Jason. Bye.." ibinaba ko na ang tawag. Tumitig ako sa bahay namin ng Asawa ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Kakarating lang namin. Hindi ako sumama kay Jason at agad na tinungo ang daan papunta sa bahay ng asawa ko. Sa wakas.. makikita ko na ang asawa ko. Sana naman magiging okay na kami. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nagulat ako ng walang tao sa loob. Baka nasa office pa siya. Nilapag ko sa sala ang mga dala ko. Tinignan ko ang oras. Malapit ng mag-alas singko ng hapon. Pumunta ako ng kitchen at hinanda ang lulutuin ko. Masayang nagluto ako para sa dinner namin ni Sean. Excited na akong makita siya. Nang matapos ko na ang lahat. Saktong may nakarinig ako ng kotse. Sumilip ako sa bintana at nakitang kotse iyon ng asawa ko. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad na papasok. Bumukas ang pinto. Nanlalaki ang mata nito ng makita ako. Ngumiti ako sa kanya at agad s'yang niyakap. Hindi ko mapigilang maglandas ang luha sa mata ko. Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. "Sean.." tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa lapag. Matalim ang tingin nito sa akin. "Ang kapal naman ng mukha mong humarap pa sa akin. Anong ginagawa mo dito?" Sigaw niya. Kahit na sobra akong nasaktan. Tumayo ako para harapin siya. "Sean. Nandito ako dahil asawa mo ako." Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa pagsampal sa akin ni Sean. Biglang bumuhos ang luha ko. Nagpakawala siya ng malakas at nag-uuyam na tawa. "Asawa? Matagal na tayong hiwalay Sarah ng lokohin mo ako." Akala ko sa pagbabalik ko, magiging okay na kami. Pero bakit ganito? Ako pa rin ba ang masama sa paningin niya? "Se-sean.. wala akong ginawa. Kung naniwala ka lang sa akin. Mas kilala mo ako. Hindi ko iyon magagawa sayo." Nanlilisik ang matang tumitig siya sa akin. "Wag mo ng ipagkaila pa Sarah! Tama na! Umalis ka na dito. Alis!" Sigaw niya. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak. "Please sean. Kahit ngayun lang maniwala ka naman sa akin. Mahal kita at hindi ko iyon magagawa sayo." Lumuluhang saad ko. Namayani ang katahimikan. Nakapagdisisyon na ako. "Isang buwan. Kahit isang buwan lang sean. Gusto kong bumawi sayo. Pagkatapos nito aalis na ako at hindi mo na kahit kailan makikita pa. Pagbigyan mo sana ako." Mataman itong nakatingin sa akin. "Please sean kahit isang buwan lang. Gusto kong maging maayos ang pagsasama natin sa huling sandali." Pakiusap ko. "Sige payag ako. Sa isang kundisyon." "Ano?" "Pagkatapos ng isang buwan pipirmahan mo ang annulment papers natin." Tila pinagbagsakan ako ng langit sa narinig. Kahit na nasasaktan nagawa ko pang ngitian siya. "Okay, kung iyan ang gusto mo. May hinanda nga pala ako. Kain na tayo?" Pag-iiba ko. "Kumain na ako." Nilagpasan niya ako. Umakyat siya sa hagdan at tinungo ang kuwarto namin. Hindi ko mapigilang bumuhos ang luha sa mata ko. Ngayun ko lang ulit naramdaman ang pamilyar na sakit na ito. Pumunta ako ng dining at sumandok ng kanin at ulam. Wala sa sariling kumain ako. Kahit anong punas ko sa luha hindi pa rin tumitigil. Sobrang wasak na wasak ako. Tama ba itong disisyon ko? Ngayun palang hindi ko na kaya ang pananakit sa akin ni Sean. Kakayanin ko ba? Hinugasan ko ang mga pinagkainan. Kinuha ko ang mga dala ko at inakyat sa second floor nitong bahay. Huminto ako sa tapat ng dati naming kuwarto. Pinunasan ko ang luha. Magpasalamat na lang ako na pumayag siya sa kagustuhan ko. Umalis na ako at tinungo ang guest room. Nang hihinang naupo ako sa gilid ng kama. Nahiga ako at hindi mapigilang humagulhol. Sa isang taon na lumipas hindi nawaglit sa isip ko si Sean. Kung ano ang ginagawa niya. Sino ang kasama niya habang wala ako. Masaya kaya siya na wala na ako sa buhay niya? May uuwian pa ba ako kung sakaling bumalik ako? Yan ang madalas na katanungan sa isip ko. Higit sa lahat kung mahal pa ba ako ng asawa ko. Walang nagbago sa nararamdaman ko. Mas lalo kong minahal si Sean sa kabila ng lahat ng sakit na ginawa niya sa akin. Nalulong ako sa pagmamahal niya na halos hindi ko na kayang ihahon ang sarili. Kahit anong sabihin sa akin ni Jason, hindi ko siya pinakinggan. Ganun ko kamahal si Sean at lahat gagawin ko para mapasaya siya. Bukas na bukas, sisimulan ko ng paibigin ulit ang asawa ko. Gusto kong makalimutan niya ang nangyare sa nakaraan. Hindi ko siya susukuan hangga't hindi bumabalik sa dati ang pagsasama namin. Sana kayanin ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD