SAVANNA’S POV “JUSKO ma-la-late na ako!” aniko nang mapatingin ako sa relo ko na tatlong minuto na lang bago mag-alas sais ng umaga. Kaagad akong nag-book ng Angkas Ka dahil ito lang ang paraan para mabilis ako dumating sa coffee shop. Pagdating ng motor ay agad na binigay sa akin ang hairnet at ang helmet. Matapos kong isuot ‘yon ay umangkas na ako sa likod. “Kaya ba ng fifteen minutes, Kuya Driver?” tanong ko dito kaya napatingin siya sa mapa niya. “Subukan ko po, Ma’am kasi medyo traffic na ngayon,” tugon niya. “Sige. Basta gawin mo lang ng paraan na hindi ako ma-late,” aniko sa kaniya kaya mabilis niyang pinaandar ang motor. Mabilis ang takbo ng motor niya kaya nakampante akong makakaabot ako sa coffee shop. Ilang sandali pa ay unti-unting humina ang pagtakbo ng motor niya hang

