3RD PERSON POV LUMAPIT si Aldrich dito. "Let's go home, Savanna." Lumingon ang dalawa pagdating nito. "Aldrich?" gulat na sabi ni Savanna. "Akala ko iniwan mo na ako," naiiyak na sabi ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Aldrich nang mapansing lasing na pala ito at hawak ni Ismael ang bote ng wine. Hinawakan niya ang kamay ni Savanna saka hinila. "Let's go. Lasing ka na." Pulang-pula ang pisngi ni Savanna habang naglalakad sila palabas ng mansyon. "Saan mo ba ako dadalhin? Eheh." "Iuuwi na kita sa inyo." "Ha? Ayoko! Gusto ko pang mag-enjoy! Teka! Balik muna ako ro'n." Nagpupumilit si Savanna na bitawan siya ni Aldrich dahil gusto pa nitong uminom ng wine at magsaya. Mahigpit na hinawakan ni Aldrich ang kamay ni Savanna at hinila ito papunta sa kaniya. Niyakap ni Aldrich ito at may k

