3RD PERSON POV "MAG-RESIGN ka na talaga, Miss Elaine?" tanong ni Miss Remy habang nakatingin ito kay Elaine na nagliligpit na ng mga gamit. "Oo. Kailangan kasi," ngiting wika ni Elaine. Matapos na ilagay ni Elaine ang mga gamit niya sa box ay nagpaalam na siya sa mga kasama niya sa trabaho. "Grabe! Wala man lang pang despidida?" tanong ni Miss Remy. "Next time na lang kapag makalugar ako." " Condolences pala sa daddy mo. Nalungkot kami no'ng malaman namin ang nangyari sa kaniya. Tapos aalis ka pa kaya mas lalong tatahimik ang team natin." Ngumiti si Elaine. "Malay niyo may mas maingay pang papalit sa akin." "Eh, ano na plano mo? May malilipatan ka ba?" "Hmm. Mero'n naman na." Biglang sumingit si Mister Paul. "Uy! Ang alam ko. . . ikaw daw ang apo ni Doña Perigrita? Seryoso?"

