3RD PERSON POV 5 HOURS AGO BAGO MAHIMATAY SI YAZY NAGPAALAM si Benedict kina Chairman Marcellus aalis sila ni Aldrich para mamasyal. “Saan tayo?” tanong ni Aldrich habang nagmamaneho siya ng sasakyan. “Sa lugar kung saan hindi ko pa napupuntahan. ‘Yong bago sana dito sa Maynila.” “Sakto medyo palubog na ang araw. Maganda sa Makati, ‘yong rooftop deck do’n maganda ang view ng mga buildings.” “Nice. Do’n na tayo mag-dinner, treat ko!” ngiting sabi ni Benedict kaya marahang tumawa si Aldrich. Pagdating nila sa Makati ay agad silang sinamahan ng staff papuntang rooftop. Namangha si Benedict sa ganda ng spot. Mala-firefly ang mga buildings at mas lalong na-appreciate niya ito nang dumilim na ang paligid. Nag-order si Benedict ng food at ng cocktail para sa kanila ni Aldrich. “Para tayo

