SAVANNA’S POV KAAGAD KONG pinatay ang tawag ni Aldrich bago pa ako makarating ng pantry upang magtago. Bumuga ako ng hangin dahil hindi ako makapaniwalang kahit sa ganitong oras ay gagawin niyang tawagan ang numerong ‘to. Nakita kong dadalhin na ni Lyla ang order nila kaya agad ko siyang nilapitan at kinuha ang tray. “Ako na maghahatid," presenta ko kay Lyla sa sarili ko. Mahinay akong naglakad papunta sa puwesto nila ni Aldrich. “Here is your order po. Ibabalot pa ba?” tanong ko sa kanila habang hawak ko na ang kape. “H’wag na,” malamig na tugon ni Aldrich nang kunin niya ang kape sa kamay ko. Tumindig si Ismael at nginitian niya ako saka kinuha niya sa tray ang kape niya dahil nakatitig ako kay Aldrich. Ang sama ng ugali! “Pasensya na ulit, Miss Anna,” wika niya sa akin kaya tuma

