3RD PERSON POV BUMABA na sina Elaine matapos ihanda ang pananghalian nila. Pagpasok nila sa dinning area ay pinalibutan sila ng mga kasamabahay na may kani-kaniyang dalang dish. Ilang sandali pa ay dumating na sina Doña Perigrita at Don Jose. Umupo sa gitna si Don Jose at katabi naman nito sa kanan si Doña Perigrita. "Have a seat mga hija," ngiting sabi ni Don Jose. Tumabi si Elaine sa kaliwa ni Don Jose at sumunod naman na tumabi si Jasmine sa kaniya. Samantalang si Ingrid naman ang tumabi kay Doña Perigrita. Kalaunan ay nilatag na ng mga kasamabahay ang dish na ni-request nila. Tahimik na kumain sila hanggang sa nagsalita na si Don Jose. "Ilang taon na ba kayo? Nag-aaral pa ba kayo?" Kaagad na sumagot si Ingrid. "Senior high na po ako at mag-nineteen years old na po ako." "How

