3RD PERSON POV NASA LOOB ng conference room si Ismael at pinakinggan niya ang hinaing ng mga board of directors. “Nasa top five na lang tayo sa most used Dating App na dati nasa top two, at ang PerfectSwipe ang palaging nangunguna kahit may lumabas na isyu sa kanila. Hanggang kailan ka pa ba hindi lalaban, Sir Ismael? We know that he is your friend pero hindi naman maganda kung hindi tayo lalaban. Besides, baka dumating ang araw na pagsisisihan mong hindi mo siya nilabanan kapag nalugi na ang kompanya,” salaysay ng isang director dito. “I’ll see what I can do, Mr. Blake,” tugon na wika ni Ismael saka siya tumindig at tinapos na ang meeting saka siya lumabas ng conference room. Hinabol siya ng kaniyang kapatid na si Travis na isang Software Engineer ng kompanya. “Kuya!” malakas na big

