SAVANNA'S POV PAGDATING namin sa venue ay agad akong bumaba ng kotse. Sumunod namang bumaba si Aldrich at tumabi sa akin. "Let's go?" aniya nang ilahad sa harap ko ang palad niya. "Uhm. . ." Namula bigla ang pisngi ko dahil sa ginawa niya kaya dahan-dahang nilagay ko ang kamay ko dito. Parang nakuryente ang katawan ko nang mahigpit niyang hinawakan 'yon. Gusto kong tumili at sumigaw dahil sasabog na puso ko sa kilig. Kalma ka kang, Savanna. Kalma. Dahil nagpapanggap lang kayo. Okay? Garden wedding ang venue ng kasal ni Serenity. Pagpasok namin ay agad kaming pumunta sa puwesto namin ni Aldrich. We are standing for we are waiting the entrance of the groom and bride. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil hanggang ngayon ay mainit pa rin ang balita tungkol sa amin. Ilang sandali pa ay

