Chapter 9 Vaseline P.O.V Nagising ako sa ingay. Humihikab pa akong tumayo sa aking kama para tingnan kung sino ang nasa ibaba. Rinig na rinig kasi ang tilian at ingay ng mga babae. Mula sa gate ng masungit kong kapitbahay ay may dalawang babaeng nag-iihaw. Ang aga naman ata ng pag-iihaw nila. Ginawa na atang picnic house ang bahay ng masungit kong kapitbahay. Teka, kilala ko ang mga 'yan. Sisters ni Ajacx. Dahil naintriga ako. At dahil ayokong nabibitin. Nagmadali akong magbihis para puntahan sila sa ibaba. Mangangapitbahay ata ako ng maaga nito. Nasa gate na ako nang marinig ko ulit ang pagtili ng dalawa. Bakit kaya wala si Jacx? Pumasok na kaya siya? Sa lakas ng kanilang boses. Akala ko ilang tao ang naroon. Pero dalawa lang pala sila na naroon sa loob, nag-iihaw. Napas

