Chapter 20 Thana's P. O. V. 1 month later Nakatitig ako sa mechado na niluto ko. Ang tagal ko itong ginawa dahil nanood lamang ako ng tutorial sa youtube kung paano ito lutuin. Namili pa ako ng mga panangkap at pinaghandaan ito para gawing hapunan. Kinuha kong muli ang cellphone ko at napatingin sa oras. "10:48 PM..." bulong ko. Tulog na si Morana. Sinabayan ko na siyang kumain kaninang alas-syete, dalawang beses ko na ininit ang ulam para kapag umuwi si Magnus ay masarap pa kainin itong mechado. Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang text namin ni Magnus sa isa't isa. "9:30 PM, I'm going home now." Napabuntong hininga ako, nag-missed call pa ako pero hindi na siya nag-reply sa akin matapos ang huling reply niya. Kinakabahan na ako dahil baka kung