Epilogue Thana's P. O. V. Nakokonsensya ako, makikita ko si Lauro na nasa kulungan matapos niya akong tulungan at alagaan ng ilang buwan. Ang problema kasi, mali ang ginawa niya. Maling-mali ang pumatay ng tao. Lumipat kami ni Magnus rito sa bahay ng parents niya dahil tanggap na raw nito ang pagkakamali niya at handa nang ituwid lahat. Nakikisama na siya ngayon sa pamilya niya na noon ay kinamumuhian niya. Narito ako ngayon sa sala nila. Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng TV. Hinihintay kong pumasok rito si ate Soheila na dala ang baby niya. Dahil sa baby ni ate Soheila ay mas excited akong lumabas ang baby ko. Siguradong maglalaro ang magpinsan na ito kapag lumaki na sila. Gusto kasi ni Magnus na mayroon akong kasama sa bahay. Kapag nandito ako, mayroong katulong