Kaia Before I could even say anything, may kumatok na sa pinto. Kumalas si Reed sa pagkakayakap sa akin at binuksan ang pinto. It was one of the kitchen staff with a tray of food. Reed took it and closed the door after. "Your food is here. Do you want to eat outside o dito sa kwarto?" "Sa labas na lang," sabi ko sa kanya. Sinundan ko s'ya palabas at inayos n'ya ang pagkain. Naupo na ako at unang dinampot ang buko pandan. I missed it. May buko pandan rin sa Australia dahil may ilang Filipino stores but it's not the same. I found him staring at me. Bigla tuloy akong nailang. "Stop staring." "I can't help it. I haven't seen that face in a long time." Nag-iwas ako ng tingin. "I'm pretty sure you were busy looking at other --" "You think so?" "I think so," patuloy lang ang pagkain ko.