Kaia BLIND item. Isang sumisikat na starlet, buntis! Ano ba 'yan? Wala na bang ibang balita sa Pilipinas buntisan, agawan ng asawa at mga kabit. Ang mga babae minsan nakakaasar, parang mauubusan ng lalake sa mundo. Nilipat ko ang channel ng tv at naghanap na lang ng pelikula. Pero kahit 'yon ay mailap. Nakabalik na kami mula sa Singapore kahapon at si Reed ay pumasok na sa opisina. He wanted to take me with him this morning but I was feeling tired. Both from the trip and from what we did last night. Hindi naman halatang gusto na naming magkaanak? Tsk. Si Nanay ay maagang namalengke kaya mag-isa ako dito ngayon sa bahay. Naisip kong dalawin si Yaya sa kabilang bahay. I might go for an early swim too. "Good morning Yaya!" Sinalubong n'ya ako ng yakap. "O, ang aga mong gumala. Kumain