Kaia MASAYANG masaya ang mga bata sa pagligo sa dagat. Gumawa pa kami ng sand castles at maya't maya na yata kaming kumain ng kumain. Si Kaia ay nakakalong pa sa Daddy n'ya while Daniel is trying to act like his father. Ang bata pa ay nag-aastang matanda na. Mahalaga talaga ang may father figure kahit ano pa ang sabihin ng lahat. In a perfect world maybe, but the reality is some families just don't work out like that. Minsan, mas mabuti pang magkahiwalay ang magulang kaysa magkasama at bangayan ng bangayan. Napakaswerte ko pa rin sa kabila ng lahat dahil matagal man kaming hindi nakumpleto, walang kasing saya naman noong nagkasama sama na kami. Thanks to Reed. Napakalawak ng pang-unawa n'ya at napakalaki ng pagmamahal n'ya para sa akin at sa mga bata. Dito na kami kumain sa resort ng ta