Paano ko inignora ang lalaking ito noon pa man? Kung noon ko pa siya pinansin sana ay hindi ako napunta sa maling tao noon. But I accept it now. Mabuti kami ngayon ni Ezekiel. I am happy now with Anton. Pero hindi nga lang naibalik ang dating pagkakaibigan nilang dalawa. Iba si Anton dahil halos ayaw niya mismo pansinin si Zeke. It's all in the past by the way. Ang importante ay siya ang mahal ko ngayon. Ang yacht ni Anton ay dumaong sa isang port sa Maldives kung nasaan ang Reethi Restaurant. May mga kumuha sa aming mga dalang bagahe para ipasok sa kuwartong nakahanda na para sa amin. Kumalabog ng husto ang puso ko. Kakakasal lang namin. Hindi pako sanay sa mga hawak niya. Ang unang gabi namin ay nakasiksik parin sa utak ko. Ginabayan niya ako patungo sa loob ng restaurant. Ng