Chapter 53 CASSSANDRA'S POV "Gusto mo bang mamatay?" Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi nito, na parang sanay na sanay na itong pag laruan ang mga tao sa paligid nito. Namutla ang mukha ng lalaki sa labis na takot sa kaharap nito. "f****d! Putangina!" Matinis na mura ng lalaki nang lalo pang pinilipit nang misteryoso lalaki ang kamay nito. Hindi na maipinta ang mukha nito sa labis na sakit, na hindi na nito magawang lumaban at pumalag pa. "Diba gusto mo nang kape? papatikimin kita ng kape, na hinding-hindi mo makakalimutan!" Sumilay ang mala-demonyong ngisi sa labi nito. Kinuha ng misteryosong lalaki ang kape, na naka-patong sa lamesa at walang ano-ano binuhos iyon sa mukha ng lalaki, na umuusok pa iyon sa init. Lumapnos ang mainit na kape sa balat ng lalaki, at rinig na rinig m