Chapter 56 LEONARDO'S POV "Oh kumusta na anak?" Dad greeted the voice on the other line. Naka-tuon lamang ang aking atensyon sa napaka-laking glass window na doon tanaw na tanaw mo ang napaka-gandang harden. Naka-suot na nang pang Opisina na kasuotan si Leonardo at sa aking likuran naman abala ang mga katulong na nag-lalapag ng masasarap na agahan sa lamesa. "Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sa'yo?" "What is this huh? Bakit nandito si Marco?" Bahagyang tumaas ang aking tinig dahil hindi ko alam na ganito pala nag kaniyang magiging plano. "Napag-desisyonan namin ng Tita Clareneth mo, na diyan na muna si Marco mananatili sa Pilipinas para turuan ng leksyon at ilayo din sa kaniyang mga bisyo.... Gusto kong turuan mo siya sa pamamalakad ng kompaniya natin para naman may katulong na rin t