Chapter 80 CLOVER'S POV "Mam meron po kayong meeting within 5 minutes." Paalala ng secretary ko at inayos ko ang mga gamit ko para mamaya. "Thank's." Nag vow lamang ito sa harapan ko at nag lakad na paalis. Abala ako sa pag-liligpit ng gamit ko sa table, at natigilan akong muli nang tumunog ang phone at sinagot iyon. "Where are you?" Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Cassandra. "Nasa Opisina bakit?" "Pumunta ka dito, at kailangan kita." "What? I can't do that." Nilapag ko sandali ang hawak ko at tinuon ang atensyon ko sa pakikipag-usap sakaniya. "Meron akong meeting ngayon at hindi ako makaka-punta. Bukas na lang dahil marami akong ginagawa ngayon Cassandra." "Talaga? Mas magalaga pa talaga ang meeting na iyan kaysa sa investment ko sa kompaniya niyo?" Pinikit ni Clover a

