Chapter 58 FLASHBACK FELICITY'S POV Pinikit ni Felicity ang mata at gumagalaw ang puno sa bawat pag-ihip nang hangin. Mag-isa siyang naka-upo sa bleachers at pinag-mamasdan ang mga batang nag lalaro sa park. Mga taong nag daraan at kasama ang mahal nila. Biglang nandilim ang paningin ni Felicity, huli niya nang namalayan na may tumakip na kamay sa kaniyang mga mata. Hinawakan ni Felicity ang kamay at mabilis naman na inalis iyon. "Hi mahal." Salubong na ngiti nang lalaki sa likuran ni Felicity. Iyon lamang ang lalaking pinaka-mamahal niya. "Siya nga pala, para pala sa'yo mahal." Inabot nito ang bouquet nang pulang rosas na bulaklak at malugod naman niyang tinanggap iyon. "Nagustuhan mo ba?" "Oo naman nagustuhan ko. Maraming salamat." "Kong nagustuhan mo talaga. Sige nga kiss mo