Chapter 94 MARCO'S POV Patakbong lumabas si Marco at hawak ang kaliwang balikat na tinamaan kanina ng bala nang baril ni Leonardo. Malalim na ang gabi, at wala na ring tao sa paligid. Hindi na rin nakita ni Marco ang iba niyang mga tauhan, ngunit wala na siyang oras para hanapin iyon dahil nag-mamadali na rin siya. Pawisan at takot na takot ang itsura ni Marco na baka maabutan siya ni Leonardo. Damn it! Kailangan kong maka-alis sa lalong madaling panahon! Lumabas si Marco, mula sa likurang bahagi ng abandonadong lugar dahil naroon ang sasakyan na naka-parada. Putangina! Nilabas ni Marco ang susi sa bulsa at pinindot iyon na kusang naalis ang lock ng pintuan nang sasakyan. Walang pinalampas na pag-kakataon na sumakay si Marco at siniguro na walang ibang tao na makakapansin ng akin

