Angel "Si Kuya!" napasigaw ako ng wala sa oras ng mapansin kong may naaninag akong ilaw mula sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa bintana kaya napansin ko kaagad ito. Mukhang umuwi yata ang isa sa mga kuya ko kaya kailangang magtago ni Alden. Kapag nakita siya ay baka bugbog sarado na naman siya ng mga ito. Puno ng pagtataka na napatingin sakin ang anak ko habang si Alden naman ay tila napako sa kinatatayuan nito. "Halika!" kaagad kong nilapitan si Alden at hinila ito patungo sa kusina. Alam kong nabigla ang anak ko sa ginawa ko ngunit hindi naman ito nakapagtanong pa. Natulala na nga lang ito nang makita niyang hila-hila ko ang totoong daddy niya patungo sa kusina. "Bakit mo 'ko hinila?" tanong pa niya nang makarating kamo sa kusina. "Umuwi ang kuya ko kaya kailangan mo magt

