Angel "Next!" Narinig kong sigaw ng babae. Nandito ako ngayon nag-a-apply bilang model ng Silica soap. Maraming nag-aapply kaya malabo yata na makuha ako. Wala dito ang babaeng nakausap ko nakaraang araw. Hindi ko naman kasi ito tinawagan. Pinuntahan ko lang ang address na nakalagay doon sa card na ibinigay niya sakin. Ako na pala ang next. Kinakabahan tuloy ako. Ano kaya ang gagawin ko? Hindi kasi nakikita kung anong ginawa ng mga naunang nag-audition. "Anong pangalan mo?" "Angel Dimakalipad po." "Kaya mo bang maghubad?" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. "M-maghubad?" T-teka, bakit maghuhubad? "Hindi naman maghuhubad na hubad lahat ng saplot. May suot ka pa naman na tube at siyempre short kapag gagawa tayo ng short advertisement. Sabon ang pagmomodelan mo kaya ma

