Angel Hindi ako nakatulog buong magdamag kaya naman pakiramdam ko ang bigat ng eyebags ko. Hindi nga kami magkatabi ni Alden pero pakiramdam ko nakamasid naman siya sakin. Hindi tuloy ako nakatulog. Naisip ko ang nangyari sa amin bago magising si Adeline. Nagtungo kaagad ako sa banyo para tingnan ang sarili ko. Ang laki nga ng eyebags ko. Jusko! Naghilamos na lamang ako para mawala na rin ang antok. Ngayon lang kasi ako dinalaw ng antok kung kailan umaga na. Paglabas ko ay gising na din si Adeline. Tamang-tama din ang pagdating ng breakfast namin. Nagising na rin si Alden. Napansin kong nakatitig siya sa aking mukha. "What happened to your eyes?" buong pagtataka na tanong ni Alden. Nagtatanong ka pa, ikaw na nga ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng eyebags. Katulad ni Alde

