Kinaumagahan din ay nagtungo kami sa Surigao Del Sur. Nilibot yata namin ang lugar hanggang sa mapagod kami ni Alden. Iniwan naman namin si Adeline sa mga kuya ko. Hindi rin naman ito umangal pa dahil gusto niya rin daw na masolo ako ng Daddy niya. Pabor pa nga daw sa kaniya. Ang ikinabigla ko pa ay ang nag-iisang request niya. Isa lang naman ang hiniling niya, ang magkaroon na siya ng kapatid. Gumawa na raw kami ng magiging kapatid niya dahil bored na daw siya sa buhay niya. Gusto niya ng kapatid para daw ay may kalaro na siya. Maloloka na yata ako sa kadaldalan ng anak ko. Kung ano-ano na lang ang sinasabi nito. Akala niya yata ganoon lang kadali gumawa ng magiging kapatid niya. Ang dami pang pagdadaanan sa loob ng nine months bago niya ito makikita. Pagkatapos namin dalawin ang Nake
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


