Angel Naiwan kaming dalawa ni Zeke sa sala. Akala ko ba mag-uusap kaming dalawa? Bakit tila ayaw niya naman yata magsalita? "May sasabihin ka ba?" ako na ang naunang magsalita. Baka kasi sasabihin niya na sa akin ang totoo. Alam ko naman na eh! Ang hinihintay ko na lang ay ang magsabi siya ng totoo. Tumikhim ito. "Ahm! A-alam kong magagalit ka sa sasabihin ko...ngunit...tatanggapin ko. Kung sasampalin mo ako buo kong tatanggapin ito." seryosong sabi niya sa akin. Dahil sa sinabi niya, alam ko na kung aning sasabihin niya ngayon sakin. Mukhang ipagtatapat niya na ang totoo. Hindi talaga siya nagbakasyon para asikasuhin ang kanilang negosyo kundi abala siya sa kasal niya. "Zeke, bakit hindi mo kaagad sinabi sakin?" hindi na ako nakapagpigil pa. Inunahan ko na siya. Nabigla ang n

