Angel "Sinasabi ko na nga ba sasaktan ka lang ng lalaking 'yon. Hindi mo pa gaanong kilala ang lalaking 'yon. Si Del, siya ang nakasama mo ng matagal. Dapat talaga siya ang pinakasalan mo." Napuno ako ng sermon ni kuya nang makarating kami sa bahay. Hindi ko na rin naman nagagawa pang makapagsalita dahil panay na rin ang pag-iyak ko. Para akong batang nakagawa ng mali at may sinuway sa utos ng mga nakakatandang kapatid ko. Oo, sinuway ko nga sila dahil ayaw kong magpakasal kay Del. Hindi ko sinunod ang gusto nila. Kung tuluyan akong nagpakasal kay Del baka sobra pa dito ang sakit at sama ng loob ang mararamdaman ko. "Kuya, nandiyan na 'yan. Huwag mo ng sisihin si Angge." mabuti na lang nandito si kuya Arjay. Hindi ko nga akalaing madadatnan pa rin namin dito sila ate Thea ngunit wa

