"Ayan, maayos na ang kwelyo ng damit mo anak." Nakangiting sabi ni Cassandra sa anak. "Guwapo na ba ako Mommy?" Pinisil ni Cassandra ang anak. "Sobrang gwapo." "Siyempre naman guwapo kasi si Daddy ko." Lumungkot ang mukha ni Cassandra nang maalala niya si Abraham. "'Wag ka ng malungkot, Mommy. Nandito pa ako at aalagaan kita kapag lumaki na ako." Pilit na ngumiti si Cassandra. "Thank you, anak." Tinitigan saglit ni Cassandra ang anak. "Ang laki-laki mo na anak. Proud na proud ako sa 'yo at siguradong proud na proud ang Daddy mo sa heaven dahil marami kang award ngayong grade one ka na." "Ginalingan ko po talaga para sa 'yo. Mahal na mahal kita mommy." Sabay halik pa nito. "Love na love din kita." Pinugpog pa niya ito ng halik. "Sige na pumunta ka na kay Tita Mommy mo." "Susunod k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books