Steven's POV Steven's POV Nilunod ko ang sarili ko sa alak habang pinagmamasdan sa cellphone ko ang isang video na kuha ng CCTV. It was a video where Careela sneaked out in our room and went to Erwhan's room. Then, after a while, lumitaw naman si Erwhan sa isang pasilyo at pumasok sa kwarto niya. Then…I don't know what happened next. Wala naman CCTV sa mga kwarto kaya mahirap hulaan kung ano ang ginagawa nila sa loob. Kung nag-usap lang ba sila o may nangyari ng kababalaghan? Napangiwi ako sa senaryo na pumasok sa isip ko, kung saan ay nakikipagtalik ang aking asawa sa aking kakambal. Iyong sobrang na-miss nila ang isa't isa kaya sinagad na nila at sinulit ang pagkakataong ito. Gusto kong maluha sa galit. Gusto kong magwala at sugurin ang dalawa na baka naroon na sa ikapitong langit