Careela's POV Halos mag-iisang buwan na akong wala sa poder ng mga Salazar. Isang buwan na rin ng umalis ako at tumira rito sa aking condo. Isa pa, isang buwan na rin nang may maganap sa amin ni Erwhan ng gabing iyon pero hanggang ngayon ay parang dama ko pa ang bawat haplos at mga halik niya sa aking katawan. Isang buwan na rin ay hindi pa ako dinaratnan ng aking buwanang dalaw. Kinakabahan tuloy ako dahil baka tama ako sa hinala ko na may namumuong maliit na binhi sa sinapupunan ko. Nag-aalala na tuloy ako sa kalagayan ko dahil baka nabuntis ako ni Erwhan at nagbunga ang kapangahasan niya ng gabing iyon. Hindi naman kasi irregular ang menstruation ko. Regular ito at kadalasan bago matapos ang buwan at dadatnan na ako. Pero ang siste, hanggang ngayon ay wala pa! Palatandaan ko rin an