Careela's POV Wala ako sa aking sarili habang naglalakad-lakad sa loob ng mall at naghahanap ng pwede kong iregalo sa asawa ko. I don't know what gifts to buy that he will surely like. Alam ko naman ang mga gusto niya at hilig pero nag-aalangan ako na bumili dahil baka isipin niya na suhol ito para magkabati kami. Kaya naman naisip ko na huwag na akong bumili at aliwin na lang ang aking sarili sa pamamasyal dito sa mall para hindi ako malungkot at kalimutan na lang ang naging sagutan namin ng nakaraang gabi. Sana sinama ko na lang si Errie sa pamamasyal ko rito. Miss na miss pa naman na siya ng mga Ninang Deborah at Chelsea niya na kasama ko na nag-iikot rito sa mall. Kung saan ay pag-aari naman ito ng kaniyang lolo na walang ibang kung 'di ang aking biyenan na si Daddy Erwin. Speaking o