Erwhan's POV “Maiwan na kita, Joanna. Magpapahinga na muna ako sa kwarto ko.” Naghihikab na sabi ko nang lumabas kami sa pinakahuling unit na nilisan niya. Kanina gising na gising ang diwa ko habang tinutulungan ko siya sa pag-v-vacuum niya ng floor. Pero nang inagaw niya sa akin ang ginagawa ko dahil nahihiya siya na tumutulong ako, bigla na lang akong nakadama ng pagod at antok sa ginagawa ko. Na-bored na rin ako dahil wala na akong gagawin. Kaya nga ako sumasama sa kaniya para maaliw ang isip at puso ko. Ayaw kong magmukmok sa unit ko dahil naaalala ko si Caree. Sobra na akong nangungulila sa kaniya. Gusto ko siyang hanapin. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Walang makapagsabi kung nasaan siya. I’m sure she is hiding and the people who know her is pretending they don't kno