Erwhan's POV “Son, glad you're home!” Naluluha na sabi ni Mommy. Patakbo siyang lumapit sa akin at parang eksena sa isang pelikula ang naging eksena namin. Binuksan ko ang aking mga braso at naghihintay sa mainit niyang yakap. Huli siyang lumapit sa akin na akala mo ay ngayon lang nabasag ang spell na bumabalot sa kaniya nang makita niya ako. “I missed you so much. Mabuti naman at naisipan mong umuwi na rito after two years of staying in Pampanga?” Lumuluha ng sabi niya na halata ang pagtatampo at pangungulila sa kaniyang tono. Mahigpit na mahigpit na siyang nakayakap sa akin na akala mo ay hindi na niya ako nais pang pakawalan. Kulang na lang ay humagulgol siya sa pag-iyak. Ilang beses din niyang hinaplos ang mukha ko na akala mo ay hindi siya makapaniwala na narito ako sa kaniyang har