PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Regular kaming kumukunsulta sa OB-GYN ni Cyden. Nabuo agad ang ngiti sa mga labi ko nang makita namin sa screen si baby mula sa ultrasound. Ang sabi niya puwede na naming malaman ang gender ni baby pero pinasulat na lang namin iyon sa kaniya sa maliit na papel dahil nagprisinta si Bella para sa baby shower. Excited ako kahit na hindi naman mahalaga sa akin kung anong magiging kasarian niya. Ganoon din si Cyden. Bella just gave us updates and just asked for our approval for some details. I heard about what happened to Jane, Ron, and West pero pinili kong huwag na munang isipin iyon. I just focused on myself, my baby, and Cyde. Mas naging excited ako pagdating ng party. Punong-puno ng blue at pink na bulaklak, balloons, and displays and buong venue.