DUSTIN IAR MENDEZ — "Ngayon lang kita nakitang sobrang excited na pumasok sa trabaho." Nakangiting nilagyan ni Lindsay ng kubyertos ang pinggan naming dalawa. "What made you say so?" I asked nonchalantly as I pulled a chair near her. "Ang aga mong gumigising. I remember when you were still in your previous job, late ka na pero nahihirapan pa rin akong gisingin ka. You always didn't give a damn kung mawawalan ka ng trabaho, but now... look at you... the world's healing." Mahina itong tumawa bago naupo sa tapat ko. I didn't notice that I looked that obvious. Kinuha ko ang diyaryo na nasa ibabaw ng mesa at nagsimulang basahin iyon. "Isang tao lang talaga ang magpapabago sa'yo, ano? Just her..." She was right, nagbago ako para sa kaniya at magbabago ako para sa kaniya. Gusto ko dahil gu