PAYNE IRENE FABILA-ABELLRA — Wala akong pasok sa trabaho kaya naisip kong dalhan si Cyden ng lunch sa opisina. Dumiretso ako sa reception para mag-iwan ng ID at makakuha ng temporary pass, pero sinabihan agad ako ng receptionist na bumaba raw si Cyden. I was a little bit disappointed pero nagtanong pa rin ako kung anong oras ito umalis and just told her na maghihintay na lang ako sa lounge. Sakto namang tumalikod ako nang mapansin ko ang sasakyan nito na huminto sa entrance. Bahagya akong napangiti nang makita kong bumaba siya ng sasakyan. I just thought na tamang-tama lang ang dating ko. Umikot ito sa kabilang side at binuksan ang pinto ng passenger seat. I saw Yana get out of his car with a smile. Naramdaman ko ang unti-unting paglaho ng ngiti sa mga labi ko pero hindi ko pa rin