BELLA CRISOSTOMO — Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin kay Irene na kanina pa hunihikbi. She was sitting on the bed while I was standing in front of her, confused about what to say. Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort gayong nakakaramdam din ako ng inis sa kaniya. Literal na wala akong masabi. Hinanap ko siya agad kanina pagkatapos kong makipagbardagulan sa mga kaibigan niyang bastos dahil nag-aalala ako sa kaniya. Nakita ko pa ang sasakyan na gamit niya kaya hinanap ko siya sa parking, although I was not expecting that dahil matagal-tagal din akong tumalak sa loob. Naisip ko na baka kung saan-saan pa siya napunta dahil bago lang sa kaniya ang club na iyon. Naisip ko rin kaagad na baka kung sino na ang humablot sa kaniya.