PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Nagising ako sa tawag ni Bella. Sumikip agad ang dibdib ko sa balita niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo lang sa ibabaw ng kama habang pinoproseso ang sinabi niya. Kleo was a good charming little kid. I— I didn't think he deserved to leave the world at such a young age. He was full of dreams. Madalas namin siyang ka-bonding ni Dustin noong lumalabas pa kaming dalawa. Alam ko kung... gaano siya kaimportante kay Dustin. He wasn't hard to love. He was just so innocent. I couldn't help thinking about it kahit pa nang makababa ako. Lumapit sa akin si Cyden to ask. I told him about the situation at nagpaalam na rin ako na pupunta sa burol ni Kleo. Naghintay ako ng update kay Bella at sumama sa akin si Cyden. Lalong bumigat ang didbib ko