PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Hinanda ko na ang mga gagamitin ko para magluto ng hapunan sa kusina. Hindi ko alam kung anong oras uuwi si Cyden pero gusto ko pa ring maghanda ng pagkain para kung sakaling maaga itong umuwi may pagkain na akong ihahain sa mesa. Kalalagay ko lang ng pan sa stove nang makarinig ako ng mga yabag. Mabilis kong pinunasan ng bimpo ang kamay ko at nataranta pa ako dahil hindi ko inaasahan na maaga itong uuwi. Kalalabas ko lang ng kusina pero napahinto rin ako agad nang... hindi ang taong inaasahan kong makita ang nakatayo sa harap ko. "W-what are you doing here, Dust?" Hindi niya sinagot ang tanong ko at dumiretso pa palapit hanggang sa abutin niya ang kamay ko. I looked at him in disbelief and quickly pulled back my hand. "P-paano ka nakapasok?" "Look