PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — "Daddy!" Agad tumakbo si Cyrene papunta sa daddy niya nang makita itong pumasok sa living room. Sinalubong naman siya ng ngiti nito at kinarga agad siya. I also couldn't help but smile. "I missed you so much, Daddy," muling sambit nito at humalik sa pisngi ng daddy niya. "I missed you too," Cyden replied and landed kisses on her face that made her laugh. Ganoon talaga sila kalambing sa isa't-isa. Minsan halos maghapon silang magkadikit kapag walang pasok si Cyden sa office. "Daddy, I wanna show you something." "What is it?" Lumapit sila sa akin sa couch. Mabilis kinuha ni Cyrene ang drawings at paintings niya para ipakita sa daddy niya. "Wow, may bago na namang idi-display si Daddy sa wall." "That's you, Daddy! I drew you because I missed you s