CYDEN LANDER ABELLERA — "Ano pang ginagawa mo rito? Wala ka nang kahihiyan, ha? You're such a disgrace to our family!" narinig ko ang tinig ni Dad habang nasa hallway ako at pabalik pa lang sa opisina ko. "Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito, naiintindihan mo? Lumayas ka! Layas!" Pagdating ko sa workstation, nakita ko agad ang kumpulan ng mga empleyado. Nakita ko rin si Dad at huminto ito sa harap ko nang nagbabaga pa rin ang mga mata marahas pa ang paghinga. "Ayoko ng marumi sa kompanya ko, Cyden," mariing sambit nito bago ako lagpasan. Madalang siyang magpunta sa floor at alam kong sinadya niya ang pagkakataong iyon. "Alis!" "Malandi!" "Ang kapal ng mukha!" Sunod-sunod na salita pa ang narinig ko bago ko subukang lumapit pa sa pinagkukumpulan nila. Tumigil din ako nang mak