DUSTIN IAR MENDEZ __ "Daddy!" Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Kleo habang tumatakbo sa direksyon ko. Pinilit kong bigyan ito ng ngiti kahit ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko. Mabilis itong yumapos sa baywang ko. Agad ko namang hinaplos ang malambot na buhok niya. "Daddy, let's play!" Hinila niya ang kamay ko papunta sa living room kung saan nakasabog ang mga laruan niya sa sahig. Lindsay was there. Napailing na lang ito habang nakangiti sa amin ng anak niya. "Have you finished your homework?" tanong ko nang makaupo ako sa couch. "Of course, Daddy! Mommy helped me out!" "Very good." Kahit lumalalim na ang gabi ay masigla pa rin itong nakipaglaro sa amin ng mommy niya. Sinadya kong pagurin siya sa katatakbo at kiliti para makatulog na. Hinatid ko lang siya sa silid niya pag