Chapter 21

2060 Words

EENOS NIKOLAI BERMUDEZ __ Nagtulos ako ng kandila sa harap ng puntod ni Rohan, ang mas nakababa kong kapatid, ganoon na rin sa katabing puntod ng nanay ko. Ganoon pa rin ang bigat sa dibdib ko sa tuwing maiisip kong totoong wala na sila sa buhay ko. Parang kahapon pa rin. Kung maibabalik ko lang ang oras, sana naging matino ako. Sana naging mabuti akong anak at kapatid. Kung alam ko lang na huling beses ko nang makikita si Rohan, sana hindi ko na siya sinigawan at hindi ko na pinaramdaman sa kaniya na wala siyang silbi. Kung alam kong huling araw na iyon ni nanay, sana kinain ko na ang ulam na niluto niya para sa akin. Kaya kahit hindi pa rin kami magkasundo ni tatay, hindi ko gustong sunugin ang tulay sa gitna naming dalawa. Bukod sa pangako ko, ayoko nang may pagsisihan pa kapag hu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD