ALENSLEY CASTIEL LA GUARDIA __ Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatakot sa silid ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko kahit iyong isa pa lang ang nakakakita. "Al!" Narinig kong tawag ni Ranzel mula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon at tinungo ang pinto. "Al!" Nakangiting tawag nito sa akin at mabilis akong niyakap. "Ang mommy mo... gising na." Kung durog ang puso ko kahapon, pakiramdam ko nabuhay naman agad iyon sa narinig ko. May ngiti sa mga labi na kinuha niya ang mga balikat ko. "Mukhang malakas na rin siya. She's asking me to play with her." Agad namasa ang mga mata ko at hindi ko napigilang ngumiti. "Can I visit her?" Agad ding nawala ang ngiti sa mga labi nito at bahagyang kumamot sa likod ng ulo niya. "That's the bad news... nabalitaan ko may nagpuntang pulis dit