Chapter 3

1997 Words
ALENSLEY CASTIEL LA GUARDIA __ Agad akong nilapitan ni Lana nang makita ako. Kinuha agad nito ang braso ko. "Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong nito. Ngumisi ako sa kaniya. "Binibisita 'yung maganda mong amo." Hindi ito makapaniwalang bumaling sa akin. "Seryoso ka? Pati ba naman si Ms. K pagdidiskitahan mo? Sa tingin ko, hindi ka niya type." "Psh, sino bang tumanggi sa g'wapong 'to? Wala pa, 'di ba?" "Ako," walang pag-aalangang sagot nito. "Kailan ba kita niligawan? Lalong hindi kita tipo." Umikot ang eyeballs nito. "Wala siya rito. Maagang umalis. Nagpunta sa Sanville." "Sanville?" kunot noong tanong ko. "Sanville University? She's studying?" She gave me a bored look. "Presidente siya ro'n. Sila ang may-ari." Muli akong ngumisi sa kan'ya at ginulo ang buhok niya. "Ano ba, Al!" suway nito sa akin habang nakabusangot na inayos ang buhok niya. "I'll meet her there." "Magdadala ka na naman ng gulo!" Nagsimula na akong humakbang habang malawak pa rin ang ngiti sa mga labi ko. Naalala kong nagtatrabaho si Lana sa kanila. She's my childhood best friend. Nagtatrabaho siya noon sa bahay pero pinalayas siya ng mag-asawang aswang dahil parati siyang nakakabasag ng pinggan. Isa pa, masyado kasi siyang tsismosa. It was unfortunate na wala na siya sa bahay. Wala nang nagsusumbong sa akin. Muli akong napangisi. May kalayuan rin ang university na iyon pero nilakad ko na lang. Hinarang agad ako ng guard ng akmang papasok ako sa loob. "Good morning, sir. Pa-scan na lang ng ID." Nilagay ko ang mga palad ko sa magkabilang bulsa ko. "May bibisitahin lang ako." "Pahingi na lang po ng ID. Titingnan ho namin sa list namin ng visitors." Humugot ako ng malalim na hininga at kinuha ang wallet ko para ibigay sa kanila ang kahit anong ID ko. "This is an emergency visit. I need to talk to Mr. La Guardia as soon as possible." Tiningnan nito ang ID ko at ang mukha ko. "Pasensya na ho. Wala kayo sa listahan . Hindi kami basta-basta nagpapasok. P'wede niyo pong tawagan muna si Mr. La Guardia." "I said this is an emergency visit. So you want me to call him and report you, huh? I'll tell him you're harassing me." Napakamot ito sa ulo at inabutan na ako ng visitor's pass. "Psh..." Kinuha ko iyon sa kaniya at dinala sa bulsa ko. Inikot ko agad ang tingin ko sa paligid. Hindi pa ako nakakapasok sa University na iyon pero nakapasok na ako sa kabilang campus. Sanville ang unang naging paraalanan ko-- kindergarden at kalahati ng grade one kung hindi ako nagkakamali. Sa laki ng loteng sakop no'n, I wasn't surprised na masyado iyong nakakalula. Sinubukan kong hanapin ang pinaka-magandang building dahil siguradong nandoon ang mga executives pero halos lahat ng building doon ay magaganda. I was lost. "Hey," tawag ko sa isang estudyante. Bumaling ito sa akin at binasa pa ang labi niya. "Alam mo ba kung nasaan ang President's office?" Inakbayan na ito ng mga kaibigan at pare-parehas tumingin ang mga ito sa akin na para bang kasisinghot lang ng rugby. "Bago ka rito?" tanong sa akin ng isa. "Itanong ko ba kung hindi?" sarkastikong sagot ko. Tiningnan ako ng mga ito mula ulo hanggang paa. "Maangas ka, ah?" Hindi ko na gustong ubusin ang oras ko sa mga batang iyon. Akmang aalis ako pero kinuha ng isa sa mga ito ang braso ko at akmang susuntukin ako pero naunahan ko siya. Ako pa bang iisahan nila? Wais 'to. Ako ang hari ng bugbugan sa campus noon bago ako patalsikin. Sabay-sabay akong sinugod ng mga ito. Sandali pa lang akong nakipagbakbakan, marami na agad ang pumaligid sa amin at may ilan na ring sumugod sa mga ito na para bang matagal na nilang kaaway. Sa sobrang bored nila sa buhay nila, sinugod rin ako ng mga kararating lang. Psh, I guess that was their hobby. Ang maghanap ng away. "Fuck..." mura ko nang tamaan ng paa ang pisngi ko. That was irritating. Ayoko nang nabawasan ang kag'wapuhan ko. Aga rin akong bumawi at sinugod ang batang iyon. They were really testing my patience. They needed a lesson. Marahas kong kinuha ang kuhelyo niya at kulang na lang ihagis ko siya sa kabilang planeta. Napangisi ako. I missed to fight too. Matagal-tagal na rin noong huling napalaban ako. I would love to enjoy it. Habang iniilagan at binibigwasn ang mga nasa paligid ko, napansin ko na unti-unti nang nawawlaa ang ilang estudyante. "Argh!" Narinig ko pang malakas na dumaing ang isa nang tila may bumaril sa kaniyang kung ano. Tiningnan ko ang paligid pero mukhang wala namang kalaban. These brats... mukhang arcade na lang sa kanila ang university. Napadaing ako nang tamaan nang malakas na sipa ang binti ko. Napaluhod ako sa sahig pero hindi ako papayag na hindi ko mabali ang buto ng lecheng batang iyon. He couldn't just run away. Mabilis akong tumayo at hinablot agad ang kuhelyo nito pagharap ko pa lang sa likuran ko pero natigilan agad ako nang hatakin ko pa ito palapit sa akin. Humalimuyak agad sa buong sistema ko ang matamis na amoy na iyon. Unti-unting namilog ang mga mata ko and I wasn't able to process immediately na nasa harap ko mismo at hawak ko nang mahigpit ang kuhelyo ng taong hinahanap ko. Shit... kung maganda siya mula sa binoculars ko, mas maganda siya nang ganoon kalapit. Nabuhay agad ang dibdib ko sa mga mata palang nito. Unti-unting nabuo ang ngisi ko even under pressure. "Baby-- argh!" Naramdaman ko na lang na may nilagay ito sa tagiliran ko at nangisay na ang buong katawan ko. Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa malambot na kama at halos kulay puti ang nasa paligid ko. Masakit ang katawan ko kaya dahan-dahan lang akong bumangon. Tumingin ako sa paligid ko. Napansin kong may ilan pang estudyante sa kabilang mga silid dahil glass lang ang pagitan ko sa mga ito. Tila dumadaing din sa sakit ng katawan ang mga ito. May ilan pang dumudugo ang ilong at mukha. Aalalahanin ko sana ang nangyari nang may lumapit sa aking nurse. "Hi, good afternoon," nakangiting bati nito. Agad namang bumukas ang bibig ko. "Patay na ba ako?" "No, you're still here at Sanville." "Ah... akala patay na ako... may anghel kasi sa harapan ko." She chuckled. "Can I check your blood pressure?" "You can check all parts of me and hold what you want. You can even take me home." Napailing ito. Hinayaan ko siyang kuhanin ang blood pressure ko at pinanuod ko siyang maglista. "I'll just call Dr. Samonte. She will check on you." "Go back immediately. I don't wanna miss you," nakangising sambit ko rito. Tumawa lang ito nang mahina at umalis na. Mukhang gugustuhin kong pumasok ulit ng school kung ganoon kagandang babae ang makikita ko. Hinintay ko ang doctor. Umaasa akong magandang babae rin ito pero mukhang makunat na ang dumating. "Just so you know Mr..." Tinaasan ako nito ng isang kilay na tila hinihintay na dugtungan ko iyon. "La Guardia." "Mr. La Guardia, you were shocked by a taser. You may feel body pain at the moment, but don't worry. You are safe. We will just give you pain medication. Other than that, we can no longer do anything for you. If you feel any symptoms, just get yourself checked in the nearest hospital. We don't completely assist patients here na hindi estudyante o hindi parte ng unibersidad na ito." "Psh... sinadya akong kuryentehin ng babaeng iyon? Akala ko pa naman nangisay lang ako sa ganda niya," mahinang bulong ko. "Also, papunta na rin ang mga pulis dito. I'm sorry, they have to arrest you for causing disturbance and trouble here." I looked at her in disbelief. "It's not my fault. Your students started it." "Trespassing ka. You're not on the list of visitors." "Pinapasok ako ng gwardiya ni'yo." Nilahad nito ang kamay sa akin. "Where's your visitors pass?" Kinapa ko agad iyon sa bulsa ko pati sa maliit na bulsang nasa kaliwang dibdib ng sleeves ko pero... "I lost it." "Then get yourself ready to meet the police officers outside." I again looked at her in disbelief at agad akong umibis sa kama. "Before you let me get arrested, gusto kong makausap 'yung presidente ni'yo." "I don't think she has much time to talk to you. However, may mga guard na na naghihintay sa'yo sa labas. You may ask them to bring you to the President's office." Umangat agad sa inis ang sulok ng labi ko nang makita kong may mga guard ngang naghihintay sa akin sa labas. Kung hindi ko sabihing huwag akong hawakan ay hindi ako bibitiwan ng mga ito. Sa sobrang lapit nila, kulang na lang halikan nila ako. Matagal akong naghintay sa labas ng opisina ng mahal nilang presidente. "Mr. La Guardia..." tawag sa akin ng sekretarya niya. Mabilis akong tumayo at bibigyan ito nang matamis na ngiti. "Hi, baby..." Bahagya itong ngumiti sa akin. "You may get inside now." "Inside?" "Inside the President's office." "Ah, akala ko sa loob ng buhay mo." I smiled at her. "See you later." Nakita ko pa lang siyang nakaupo sa harap ng mesa niya, napatawad ko na agad siya sa ginawa niya sa akin. Nakatutok ito sa mga papel na nakalagay sa ibabaw ng sa tingin ko ay mamahalin niyang mesa. Fuck... kahit hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng mukha nito tila ba may... may tumatayo na sa pagitan ng mga hita ko. Tumayo ako sa harap ng mesa nito. "Good afternoon, Mrs. La Guardia." Tumigil ito sa sinusulat at nag-angat ng tingin sa akin . Damn... kumislot agad ang didbib ko sa tingin na iyon. I still didn't let her notice at prente akong umupo sa silya sa harap ng mesa niya. "Balita ko ipakukulong mo raw ako? Kung oo, p'wede bang sa puso mo na lang? Kahit reclusion perpetua ang hatol hindi ako tatakas." Wala akong nakitang emosyon sa mga mata nito. Muling kusang nabuo ang ngisi sa mga labi ko at nilahad ang kamay ko sa kaniya. "Al nga pala, your neighbor." Hindi ito nag-abalang kuhanin ang kamay ko kaya binawi ko na iyon. "Medyo masakit 'yung kuryente mo, huh? But it's fine. Kuryentehin mo lang ang katawang lupa ko at gisingin mo ang matagal ko nang natutulog na kaluluwa. It is my pleasure." "What do you want here?" Tumayo agad ang mga baliho ko sa tinig na iyon. f**k? I had never seen a woman that attractive in every little things. "I want you," diretsang sagot ko. Sandali pa itong tumingin lang sa mga mata ko bago muling magsalita. "Get out." Ngumiti naman ako sa kan'ya. "I mean it. I'll leave, but see you again soon, baby." I winked at her bago ako tumayo at nagsimulang humakbang palabas ng opisina niya. Totoong naghihintay na nga ang mga pulis sa labas ng gate. Hinuli agad ako ng mga ito pero nakita ko agad ang tropa ko. "Sergeant Go," tawag ko rito habang nakaposas na ang dalawang kamay ko. Napakamot ito sa ulo. "Ano na namang ginawa mo?" I pouted. "Hindi ka ba naaawa sa akin? Pinoposasan na ako ng mga tao mo, oh?" He sighed. "Sige na, sumama ka na muna. Bumaba ka na lang sa bukohan para hindi makitang pinakawalan kita sa CCTV." Tinuro nito sa security camera na nakalagay sa gate. "Alensley, mag bagong buhay ka na." "f**k, dude. Don't call me by that name." Nakangising umiling na lang ito. Pinakawalan nga ako ng mga tao niya nang makalayo-layo na kami. Nilakad ko na lang ang daan pabalik sa bahay habang bumubulong. "Dr. Keizel Nazarene S. Sandoval..." Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan nito na nakita ko kanina sa name plaque na nakalagay sa ibabaw ng mesa niya. Naisipan kong kuhanin ang cellphone ko. Hinanap ko agad ito sa internet at P pakiramdam ko gustong tumalon ng puso ko sa bawat litratong lumalabas. She never smiled, but damn... what a perfection. Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Baby, bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD