ALENSLEY CASTIEL LA GUARDIA __ She called someone para utusang paalisin ang mga pulis sa hacienda. Nang wala na ang mga ito at saka kami lumabas sa gubat at nagtungo sa mansion nila. Nilapitan agad ako ni Lana nang makita ako. Punong-puno nang pag-aalala ang mukha niya na yumakap sa akin. "Al..." Hinayaan ko lang siya. Humiwalay din siya sa akin at marahang hinawakan ang balikat ko habang may luha sa mga mata. "Al, sorry. Sorry kasi hindi kita nahanap. Sorry, wala kang kasama sa gubat." Hindi ako nakasagot at napatingin din ako agad sa likuran nito nang makita ko sina Tiff at Chad na mabilis tinawag ang pangalan ko at nag-aalala ring lumapit sa akin. "What happened to you, Al?" tanong sa akin ni Tiff. "Can you still move your right eye?" "Let me see that..." I heard Chad at tining